33.7 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

80,000 pulis ipakakalat para sa seguridad ng publiko ngayong Semana Santa

- Advertisement -

Aabot sa 80,000 pulis ang ipakakalat sa buong bansa upang tiyakin ang seguridad ng puliko sa nalalapit na Semana Santa.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Oscar Albayalde, kasama sa nasabing bilang ang mga “tourist police” na magtitiyak rin sa seguridad ng mga turistang magbabakasyon sa bansa.

Aniya, ilang rehiyon na kabilang na rin ang Metro Manila ang isinailalim sa heightened alert status dahil sa inaasahang pag dagsa ng mga lokal at dayuhang turista.

Kaugnay nito, pinayuhan naman ni Albayalde ang mga bakasyunista na pag-ingatan ang kanilang mga personal na gamit upang hindi ma-biktima ng mga mananamantala ngayong holiday season.

Matatandaang, bago pa man sumapit ang Holy Week ay ipinatupad na ng PNP ang oplan ligtas sumvac o summer vacation upang bantayan ang mga lugar na dinarayo ng mga lokal at dayuhang turista.

—-

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -