8 indibidwal muling kinasuhan ng NBI kaugnay sa iligal na pag-okupa ng forest land sa Boracay

0
57

Muling kinasuhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang walong indibidwal dahil sa iligal na pag-okupa sa forest land ng Boracay.

Kabilang sa mga kinasuhan sina architect Lana Arac-Salaver, may ari ng Kingfishers Farm Mayor Ceciron Cawaling ng Malay, Aklan, dating Malay Mayor John Yap, Municipal Engineer at Building Official Elizer Casidsid, Municipal Zoning Administrator Alma Belejerdo, Engr. Hadji Prado, dating Zoning Administrator, Municipal Assessor Erlinda Casimeto at Provincial Assessor Kokoy Soguilon.

Ilan sa mga isinampang kaso laban sa mga nasabing indibidwal ay paglabag sa Republic Act 3019 o Anti-Graft And Corrupt Practices Act, paglabag sa section 78 ng  unlawful occupation or destruction of forest lands at paglabag sa Presidential Decree 705 o mas kilalang Revised Forestry Code of the Philippines.

Batay sa imbestigasyon ng NBI, ang mga naturang akusado ay lumabag sa batas simula pa nuong August 14, 2015 sa Sitio Lapus Lapus, Barangay Balabag, Boracay Island sa Malay, Aklan.