7 TODAS SA PAMAMARIL SA PRIBADONG PAARALAN

0
9

KAMATAYAN ang sinapit tatlong batang estudyante at apat pa sa naganap na pamamaril sa isang private school sa Nashville, Tennessee nitong Lunes ng umaga.

Kinilala ng Nashville Metro Police Department ang mga biktima na sina Evelyn Dieckhaus, Hallie Scruggs, William Kinney, pawang 9-anyos at estudyante sa Nashville Covenant School.

Napatay din Sina Katherine Koonce, 60-anyos; Cynthia Peak, 61-anyos; at si Mike Hill, 61-anyos, pawang guro at head teacher.

Napatay naman ang suspek na si Audrey Elizabeth Hale, 28-anyos na nakipagbarilan sa mga pulis na rumesponde sa ikalawang palapag ng school.

Ayon kay Nashville Police Chief John Drake, ang suspek na isang transgender ay armado ng AR-style rifle, AR-style pistol at isang handgun nang pumasok sa gilid ng school saka nagsimulang mamaril.

Nabatid sa ilang kapitbahay na ang suspek ay “ normal, nice person, at quiet Kung saan walang palatandaang gagawa ng anumang kasamaan.

Base sa LinkedIn profile na nailathala sa ibang pahayagan, si Hale na dating nag-aral sa nasabing private school ay nagsimulang freelance illustration at graphic design business noon nakalipas na taon.

Si Hale ay nagtrabaho at dumalo sa Nossi College of Art sa Madison, Tennessee kung saan nanalo ng award for most improved noong 2015.
MHAR BASCO

Leave a Reply