Radio Philippines Network
Image default
Headlines National News

6 na pangalan pinagpipilian bilang susunod na Navy chief —Empedrad

Naisumite na sa Pangulong Rodrigo Duterte ang pangalan ng anim na pagpipilian bilang bagong hepe ng Philippine Navy.

Ayon kay Flag officer-in-command Vice Admiral Robert Empedrad, apat sa mga kandidato ay mula sa Philippine Military Academy (PMA) Hinirang Class of 1987, samantalang ang dalawa ay mula sa Maringal Class of 1998.

Kabilang sa mga pangalang inaprubahan ng Board of Generals at inindorso ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sina Philippine Fleet Commander Rear Admiral Giovanni Carlo Bacordo, Navy Sea Systems Head Rear Admiral Rommel Jason Galang at Naval Forces Western Mindanao Commander Rear Admiral Erick Kagaoan.

Bukod pa ito kina Naval Education, Training and Doctrine Chief Rear Admiral Loumer Bernabe, Chief of the Armed Forces Education, Training and Doctrine Command Rear Admiral Adelius Bordado at Deputy Chief of Staff for Reservist and Retiree Rear Admiral Ramil Enriquez.

Si Empedrad ay nakatakdang magretiro sa February 3.

Related posts

Pagsasapubliko ng narco-list ipauubaya kay Pangulong Duterte

Powered by DWIZ

PPRCV nagtalaga ng bagong chairperson

Powered by DWIZ

MRT may libreng sakay para sa mga kababaihan sa Marso 8

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More