50th Golden Charter Anniversary ng Gensan, masayang ipinagdiwang

0
98

Gen. Santos City – Isang makabuluhang araw ngayong Hunyo 15 taong kasalukuyan sa lahat ng Henerals (people of Gensan) sa pagdiriwang sa ika-Limampung taon (Golden Anniversary) Charter City Anniversary of General Santos.
Deneklara ni Pangulong Rodrigo Duterte na non-working holiday day ang araw na ito sa pamamagitan ng proclamation Number 503 upang kilalanin ang kabayanihan ni Gen. Paulino Santos at sa kaunlarang tinamasa sa mga Henerals.
Alas 4 kaninang madaling araw ay nagtipon-tion ang mga Government Officials at employees sa local at National na pamahalaan kasama ang iilang estudyante, mga civic organization, Pulis at Militar sa isinagawang civic military parade at agad na nag-alay ng mga bulaklak sa monument ni Gen. Paulino Santos sa harapan ng City Hall.
Ang civic military parade ay pinangungunahan ni Gensan City Mayor Ronnel C. Rivera kung saan isang masigasig na pikikiisa ang suporta na ibinigay sa lahat ng mga elected City Officials mula sa Sanguniang Panlungsod sa lahat ng mga Barangay Officials at academe at ibat-ibang civic clubs.
Pioneers and descendants of Gen. Paulino Santos ay hindi nagpahuli sa oras ng asemblya sa ginanap na 5:00 O’clock civic military parade na lubos na ina-alaala ang mga nagawang kabayanihan sa nasabing yumaong heneral.
Makakatangap din ng isang mahalagang awards ang yumaong Congressman na si James L. Chiongbian ng isang post humous awards bilang pagkikilala sa kanyang mga kadakilaan bilang utak sa pag-usbong ng Gensan.
Maala-ala, ni Congressman James L. Chiongbian ang siyang gumawa ng House Bill renaming Municipality of Rajah Buayan to General Santos Municipality kung saan kaagad na ipinasok ang House Bill creating General Santos Chartered City.
Kung hindi sa kagitingan ni Late Congressman James L. Chiongbian sa Kongreso ang City of General Santos ay hindi maririnig hanggang ngayong mga araw at mananatili itong City of Rajah Buayan.

Leave a Reply