50 baboy kinatay sa Quezon City

0
16

Kinatay ang 50 baboy sa Quezon City na kasama sa 1 kilometer radius na ipinatupad matapos magpositibo ang ilang baboy sa African Swine Fever (ASF).

Bubuwagin din ang mga backyard hog raising dahil makukunsidera pa rin itong isang iligal na gawain.

Iginiit ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na kailangan nilang kumilos at hindi “wait and see” lamang kahit ano pa ang strain na tumama sa mga baboy.

Matatandaang idineklara na ng Department of Agriculture ang ASF outbreak sa ilang lugar sa Bulacan at Rizal.