5 sa 7 lambanog sample mula Rizal, Laguna positibo sa methanol

0
26

Nagpositibo sa methanol ang 5 sa 7 lambanog na ipinasuri mula sa bayan ng Rizal sa Laguna.

Ayon kay Food and Drug Administration (FDA) Officer-In-Charge (OIC) at Department of Health Undersecretary Enrique Domingo, lumabas sa pagsusuri na mayroong 11.4% hanggang 18.2% ng methanol na nakuha sa lambanog sa naturang lugar.

Aniya, nakakalason ang mga uri ng alak na may mataas na lebel ng methanol kung kaya’t pinayuhan nito ang publiko na mas mainam na bumili at uminom ng alak na rehistrado sa FDA.

Magugunitang hindi bababa sa 15 ang bilang ng nasawi dahil sa nakakalason na lambanog na mula sa bayan ng Rizal, Laguna, at Quezon.