5 patay sa sunog sa Tondo

5 patay sa sunog sa Tondo

by Powered by DWIZ
17 views

Patay ang lima katao matapos sumiklab ang sunog sa Yuseco Street, Tondo, Maynila.

Kabilang sa mga nasawi ang dalawang bata kasama ang kanilang nanay na nakulong sa kanilang tahanan.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), may anim katao rin silang naitalang sugatan samantalang 40 pamilya ang nawalan ng tirahan.

Dakong alas-3 ng madaling araw nang sumiklab ang sunog sa bahay ng isang kinilalang si Evangeline Lutero at nadamay ang kahilera nitong mga bahay.

Inabot ng ikatlong alarma ang sunog at nakontrol lamang ito makalipas ang isang oras.

0 comment

Related Posts