- Advertisement -
Tinukoy na ng F-D-A o Food And Drug Administration ang 5 brand ng suka, na nagtataglay ng Synthetic Chemical Na “Acetic Acid”.
Sa inilabas na abiso ng F-D-A, tinukoy ito ang Sure-Buy Cane Vinegar, Tentay Pinoy Style Vinegar, Tentay Premium Vinegar, Tentay Vinegar Sukang Tunay Asim at Chef’s Flavor Vinegar.
Ayon sa F-D-A, ang mga nabanggit na Brand ng suka ay nagtataglay ng Synthetic Flavoring, kung saan hindi ito dumaan sa natural na proseso ng fermentation.
Kaugnay nito, nilinaw naman ng F-D-A na ang Synthetic Acetic Acid ay walang masamang epekto sa kalusugan, ngunit mahigpit pa rin itong ipinagbabawal sa bansa.
- Advertisement -