45 New Covid-19 Cases, Naitala Sa Bicol Region; Kabuuang Bilang Lumobo Pa Sa 1085, Isang Broadcaster Napasama Sa Tinamaan

0
25

Iriga City — Patuloy sa paglobo ang mga tinatamaan ng covid 19 cases sa rehiyon ng bicol matapos na makapagtala ang departamento ng kadagdagang 45 na kaso kahapon.

Sa pinalabas na ulat ang bagong mga kaso ay mula sa Albay-12, Camarines Sur-6, Naga city-12, Sorsogon-8 at Catanduanes-1.

Sa ngayon umaabot na sa 567 ang kabuuang bilang ng aktibong kaso samantalang 17 naman ang bagong recoveries at 32 na ang binawian ng buhay dahil sa Covid-19.

Samantala, napasama na sa bagong kaso ng covid 19 sa Camarines Sur ang isang broadcaster na isang 57 taong gulang na lalaki na isang station manager, nagkaroon ng exposure ang biktima sa isang nauna ng positive case subalit patuloy pa ngayon ang ginagawang contact tracing sa mga nakasalamuha nito.
(OIC Melvin Barayoga, RPN DZKI Iriga)

 

(Source: DOH Center for Health Development –  Bicol)

Leave a Reply