4 na umano’y holdaper patay sa engkwentro sa QC

0
20

Patay ang apat na hinihinalang holdaper matapos maka-engkwentro ng mga pulis sa Payatas Road, Quezon City.

Nangyari ang engkwentro matapos na mangholdap di umano ng gasolinahan at isang convenience store ang mga suspek.

Agad nakaresponde ang Batasan Police dahil kasalukuyan silang nagsasagawa ng anti-criminality operation.

Batay sa kwento ng kawani ng gasolinahan, apat na lalakeng na may kani-kanyang motorsiklo ang nagdeklara ng hold-up at tinangay ang P12,000 at isang cellphone.

Lumipat pa umano ang mga suspek sa katabing convenience store; pinadapa ang mga kawani at tinangay ang P7,000 sa kaha at tatlong cellphones.