Friday, May 10, 2024

4 na hinihinalang karnaper patay sa Muntinlupa

- Advertisement -

Patay ang apat na hinihinalang karnaper na pawang nakasuot umano ng police uniform makaraang makipagbarilan sa mga awtoridad sa Biazon Road, Southville 3, Brgy. Poblacion, Muntinlupa City.

Wala pang pagkakakilanlan ang mga napatay na lalaki na ang tatlo ay dead on the spot habang hindi na umabot sa ospital ang isa pang carnapping suspect.

Ayon kay PNP-Highway Patrol Group Chief, police brigadier general Roberto Fajardo, isang lalaki ang tinangkang agawan ng kotse ng mga armadong lalaki na sakay ng isang itim na sasakyan sa Taguig.

Agad na nakipag-ugnayan ang HPG sa mga elemento ng Muntinlupa Police dahilan upang magsagawa ito ng Anti-Carnapping and Anti-Criminality Operations sa lugar.

Napadaan naman ang itim na Hyundai Accent sa Biazon Road na tumugma sa description ng naka-flash alarm na sasakyan kaya’t pinara ito ng mga pulis bandang alas-5:25 ng umaga.

Subalit sa halip na huminto ay bigla na lang nagpaputok ang mga ito hanggang sa maganap ang engkwentro na nagresulta sa kamatayan ng mga lalaki.

Tatlong short firearms, isang shotgun at isang bulto ng umano’y shabu ang narekober sa pinangyarihan ng insidente.

Natuklasan din sa pamamagitan ng LTO Mobile Query Tool na ang nakakabit na Conduction Sticker No. MP 0669 sa sasakyan ay para sa isang Hyundai Eon at hindi sa isang Accent.

Inaalam pa kung mga miyembro ng isang malaking sindikato ng karnaping ang mga napatay na suspek.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -