4 kongresista at higit 20 local officials posibleng madagdag sa ‘narco-list’

0
48

May apat na kongresista at mahigit dalawampu (20) pang lokal na opisyal ang posibleng madagdag sa ‘narco-list’ na unang isinapubliko ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Director General Aaron Aquino, PDEA Chief, sumasalang pa sa validation process ang mga ito subalit posibleng maisapubliko na rin nila bago ang eleksyon sa Mayo 13.

Sinabi ni Aquino na sa ngayon ay prayoridad muna niya ang matapos ang validation ng mga natitira pang kabilang sa ‘narco-list’.

Una nang sinabi ni Aquino na mahigit sa tatlumpung artista ang nasa ‘watchlist’ ng PDEA at halos lahat dito ay mga sikat na kabataang artista.

Gayunman, ipinahiwatig ng PDEA na hindi pa sila handang pangalanan ang mga ito.

—-