Saturday, May 18, 2024

Napoles pinayagan nang maibiyahe tuwing may pagdinig sa kaso

- Advertisement -

Nagbigay na ng go signal ang Korte Suprema para maibiyahe ang tinaguriang pork barrel queen, Janet Lim Napoles tuwing mayroong pagdinig sa kanyang kaso ang Sandiganbayan.

Matatandaan na sentensyado sa kasong plunder si Napoles kaya’t nakakulong ito ngayon sa Correctional Institute for Women.

Sa ilalim ng panuntunan, ang isang national prisoner na tulad ni Napoles ay nangangailangan ng permiso ng Korte Suprema bago mailabas ng kulungan.

Sakaling hindi magbigay ng permiso ang Korte Suprema, kinakailangang isagawa ng Sandiganbayan ang hearing ng kaso sa kulungan ni Napoles.

Isa ito sa mga dahilan ng pagkakabinbin ng pagdinig sa iba pang kaso ni Napoles sa Sandiganbayan kung saan kapwa akusado niya sina dating Senador Jinggoy Estrada at Bong Revilla.

—-

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -