Saturday, May 18, 2024

Mga opisyal ng BJMP sorpresang isinalang sa drug test

- Advertisement -

Nasorpresa ang mga opisyal ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) nang bigla silang isalang sa drug test.

Ito ang unang ginawa ni Superintendent Allan Iral sa unang araw niya bilang officer in charge ng BJMP.

Napag-alaman kay Chief Inspector Xavier Solda, Spokesman ng BJMP na sumalang sa biglaang drug test ang dalawampu’t tatlong (23) matataas na opisyal ng BJMP sa national headquarters, labing walong (18) regional directors at dalawampu (20) pang staff na dumalo sa first quarter management conference ng BJMP sa Quezon City.

Ayon kay Iral, nais niyang maging halimbawa ang lahat ng opisyal ng BJMP sa kanilang nasasakupan bilang suporta sa programa ng Pangulong Rodrigo Duterte laban sa illegal drugs.

—-

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -