4 katao patay sa karambola ng sasakyan sa Sto. Tomas Batangas

0
55

Patay ang apat katao samantalang apat na iba pa ang sugatan sa karambola ng apat na sasakyan sa Sto. Tomas Batangas.

Nagkabanggaan ang isang trailer truck, isang tricycle, Honda Vios at Isarog bus.

Ayon kay Supt. Rexpher Gaoiran, acting Chief of Police ng Sto. Tomas PNP, nasawi ang driver ng tricycle at ang tatlong pasahero ng kotse samantalang sugatan ang dalawang pasahero ng tricycle at dalawa mula sa bus.

Batay aniya sa paunang imbestigasyon, inokupahan ng trailer truck na patungo ng Bicol ang kabilang lane ng Maharlika Highway kaya’t inararo nito ang paparating na tricycle at kotse na sumalpok naman sa isarog bus na nasa likod ng trailer truck.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa driver ng trailer truck na nasa custody na ngayon ng Sto. Tomas PNP.

—-