NDRRMC naka-red alert na sa inaasahang pananalasa ng bagyo

0
68

Itinaas na ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC sa red ang kanilang alerto eksakto alas-8:00 ngayong umaga.

Ito’y bilang paghahanda para sa pananalasa ng bagyong Rosita na inaasahang mananalasa na sa bansa bukas.

Ayon kay NDRRMC Spokesman Director Edgar Posadas sa ilalim nito, inaatasan ang lahat ng concerned agencies na puspusang paghandaan ang bagyo.

Una rito, nagtaas na ang PAGASA ng typhoon warning signal kung saan, nasa signal number 2 na sa mga lugar ng Cagayan, Isabela, Aurora, Quirino and Polillo Island.

Habang signal number 1 naman sa mga lugar ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Abra, Apayao, Benguet, Ifugao, Kalinga, Mountain Province, Batanes, Babuyan Group of Islands, Nueva Vizcaya, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, Northern Quezon, Rizal, Bulacan, Metro Manila, Laguna, Batangas, Bataan, Zambales, Cavite at Camarines Norte.

Dahil dito, awtomatiko nang ikakasa ang tulong na magmumula sa national government gayundin ay suspendido na rin ang leave at day off ng mga kawani ng pamahalaang tutugon sa sakuna.

—-