Ilang flights kinansela sa napipintong pananalasa ng bagyong Rosita

0
49

Nagkansela ng ilang biyahe ang ilang airlines dahil sa napipintong pananalasa ng bagyong Rosita.

Batay sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), kanselado ang biyahe ng CebGo patungo ng Basco, Batanes at pabalik dahil masama ang panahon sa Basco.

Pinayuhan ng MIAA ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa kanilang airline.

Samantala, kanselado na rin ang lahat ng biyahe mula sa Batangas Port bilang bahagi ng pag-iingat.

Sa harap ito ng inaasahang pag-uwi ng libu-libong pasahero sa mga lalawigan para sa Undas.

—-