36% mga Pinoy naniniwalang posibleng lumala pa ang kalidad ng kanilang pamumuhay — SWS

0
13

4 sa bawat 10 mga Filipino ang kumbinsidong posibleng lumala pa ang kalidad ng kanilang buhay sa susunod na 12 buwan.

Ito ay batay sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS) kung saan lumabas na 36% ng mga Filipino ang itinuturing na ‘pessimists’ o yung mga naniniwala na lalo pang lalala ang kalidad ng kanilang buhay.

Habang 30% naman ang maituturing na optimists o yung mga naniniwalang gaganda pa ang kalidad ng kanilang buhay sa susunod na 12 buwan.

Isinagawa ang naturang survey sa pamamagitan ng mobile phone survey noong July 3 hanggang July 6 sa 1,555 mga Filipino na may edad 18 taong gulang pataas.