35.8 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Bilang ng mga nurse na tumigil sa trabaho tumaas pa — DOH

- Advertisement -

Tumaas ang bilang ng mga nurse sa bansa na tumigil ng magtrabaho dahil sa takot na mahawaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito mismo ang inamin ni Health Sec. Francisco Duque III kung saan sinabi nitong tumaas ang attrition rate sa mga pribadong ospital.

Aniya, talagang matindi ang pangangailangan sa mga nurse, hindi dahil kulang ang nurse sa bansa kundi maraming nurse ang hindi na pinababalik pa ng kani-kanilang mga magulang dahil sa banta ng COVID-19.

Kaugnay nito, sinabi ni Phil. Gen. Hospital (PGH) Director Gerardo Legaspi na minaliit nila ang takot na kaakibat ng COVID-19.

Dahil dito, sinabi naman ni Duque na napakahalagang maparamdam sa mga health workers na may katuwang at mayroon silang pamahalaan na maaasahan sa pagharap sa COVID-19 crisis.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -