Ikinagalak ng South Cotabato Swine Producers Association na dahan-dahan ng nakikilala at tinatangkilik sa ilang lugar sa Luzon at Visayas ang lechon na nanggaling sa Gensan.
Ayon kay Chester Warren Tan Officer ng SOCOSPA, ito ang dahilan kung bakit nagpapatulong sila sa buong komunidad at local government na mas ipromote pa sa ibang lugar ang lechon na galing sa Gensan at sa iba pang lugar sa SOCCSKSARGEN dagdag pa ang nangyaring 9th lechon festival noong sabado July 28, 2018 ay magsisilbing dry-run para sa mas bongga pang Lechon Festival sa susunod na taon.
Nagkaroon rin ng parada ng lechon kagaya noong nakaraang taon. Hindi naman bababa sa 35 lechong baboy o aabot sa 2,000 kilo ng lechon ang libreng ipinakain sa isinagawang boodle fight, samantala aabot naman sa mahigit isang libo ang dumalo sa boodle fight na kinabibilangan ng 26 barangay sa lungsod.
Nakilahok rin sa festival ang ilang opisyal ng local government unit gaya nila, Kag. Elizabeth Bagonoc, Odjok Acharon at iba pang barangay officials ng 26 na barangay. Sa kabuuan naging matagumpay ang pagdiriwang ng nasabing aktibidad kung saan sobra ang kagalakan ng mga organizers, hog raisers, lechon owners at local government dahil nabusog ang lahat ng dumalo sa pyesta.