GENSAN’S ABC Election, Mapayapa

    0
    56

    Naging mapayapa ang naganap na halalan sa Association of Barangay Council o Liga ng Barangay sa lungsod na ginanap kaninang 9:30 ng umaga ngayong araw July 30, 2018 sa Mt. Sabrina, Brgy Tambler General Santos City. Wala kumontra sa kandidatura ni Barangay Labangal, Barangay Captain Lorelie Pacquiao bilang pinuno sa liga at ganun din sa nagpapili na Vice Chairman na si Barangay Lagao Barangay Captain Rolito Blando,

    Auditor: Kap Diamante of Brgy Baluan

    Board of directors:

    Kap Vargas ng Brgy Bula

    Kap Pagaduan ng Brgy. Ligaya

    Kap Dinopol ng Brgy. Dad East

    Kap Paidumama ng Brgy. San Jose.

    Kap Garay ng Brgy. Dad South

    Kap Solis ng Brgy Buayan

    Kap Lozano ng Brgy. Sinawal

    Kap Mejia ng Brgy North

    Ito ang unang pagkakataon na magkakasama sa konseho sa lungsod ang mag-asawang Pacquiao kung saan si Hon. Bobby Pacquiao ay nahalal bilang City Kagawad at si Barangay Captain Lorelie Pacquiao na uupo sa Sangguniang Panglungsod bilang Ex-officio na nagrepresenta sa liga ng mga Barangay ay uupo bilang miyembro ng Sanggunuiang Panglungsod.

    Leave a Reply