Monday, May 6, 2024

35 bagong kaso ng COVID-19 sa PNP naitala, bilang ng recoveries nasa 45

- Advertisement -

Umabot na sa 5,674 ang kabuuang bilang ng mga dinapuan ng COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP).

Ito’y ayon sa PNP Health Service ay makaraang magtala sila ng 35 bagong kaso ng COVID-19 sa PNP kahapon, Setyembre 25.

Mula sa nasabing bilang, aabot sa 1,246 ang kabuuang bilang ng mga active cases sa hanay ng PNP.

Gayunman, mas marami pa rin ang bilang ng mga bagong gumaling sa sakit dulot ng virus na nasa 45 kaya’t umakyat na ang bilang nito sa 4,611.

Habang nananatili naman sa 17 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa PNP dahil sa virus.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img