31 barangay sa Maynila isasailalim sa 48-hr lockdown

0
12

Inanunsyo ng lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila na isasailalim nito sa 48-hour lockdown o enhanced community quarantine (ECQ) ang 31 barangay nito dahil sa patuloy na pagdami ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa mga lugar.

Batay sa ipinalabas na Executive Order No. 31 ni Manila Mayor Isko Moreno, isasailalim nito ang 31 barangay sa hard lockdown simula alas-12 ng madaling araw ng Sabado, ika-4 ng Hulyo, hanggang alas-11:59 ng gabi ng Linggo, ika-5 ng Hulyo, para bigyang daan ang verification o testing at rapid risk assessment.

Kabilang sa mga barangay na isasailalim sa hard lockdown ay ang mga sumusunod:

District 1

  • Barangay 20
  • Barangay 41
  • Barangay 51
  • Barangay 56
  • Barangay 66
  • Barangay 96
  • Barangay 97
  • Barangay 101
  • Barangay 106
  • Barangay 116
  • Barangay 118
  • Barangay 120
  • Barangay 128
  • Barangay 129

District 2

  • Barangay 163
  • Barangay 173
  • Barangay 180
  • Barangay 185
  • Barangay 215

District 3

  • Barangay 275
  • Barangay 310
  • Barangay 343
  • Barangay 380

District 5

  • Barangay 649
  • Barangay 724
  • Barangay 766
  • Barangay 775
  • Barangay 811

District 6

  • Barangay 836
  • Barangay 846
  • Barangay 847

Sa kasagsagan ng hard lockdown, ang tanging papayagan lamang lumabas ng mga tahanan ay ang mga health workers, police, military at government workers, emergency frontline services, service workers, barangay officials at media workers.