28.9 C
Manila
Friday, April 19, 2024

POGOs dapat munang managot bago hayaang umalis ng bansa —Hontiveros

- Advertisement -

Iginiit ni Senadora Risa Hontiveros na dapat mapanagot ang mga Chinese nationals na lumabag sa batas sa bansa bago hayaang umalis ng bansa.

Ito ang binigyang diin ng senadora kasunod ng naging pahayag ng Malacañang na palalayasin ang mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa bansa kapag hindi nakapagbayad ng tamang buwis.

Ayon kay Hontiveros, pagkatapos kumita ng bilyun-bilyon ay hindi dapat hayaang takbuhan na lang POGO ang kanilang utang na buwis na tinatayang aabot sa P70-bilyon.

Bukod dito, dapat rin aniyang managot sa batas ang mga POGO workers na dawit sa mga krimen gaya ng kidnapping, human trafficking, prostitution of women and children, unfair labor practice at iba pa.

Iginiit pa ng senadora sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na dapat tiyakin nitong hindi tatakbo sa mga pananagutan sa batas ang mga POGO firms na nagsara at mga plano pang magsara.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -