300,000 illegal setters sa Manila Bay planong ipa-relocate

0
53

Planong ipa-relocate ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu ang nasa 300,000 illegal settlers sa Manila Bay bilang bahagi ng rehabilitasyon sa katubigan.

Ayon kay Cimatu, nagbigay na siya ng dalawang (2) linggong palugit sa Manila Bay Coordinating Committee upang makabuo ng work plan at simulan ang rehabilitasyon Manila Bay.

Kanila aniya itong isasakatuparan kahit paunti-unti ang maging hakbang dahil sa limitadong kapasidad.

Magugunitang nuong mga nakalipas na sama ng panahon ay nagkalat ang mga basura sa Manila Bay dahil sa malalakas na alon.