33 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Sec. Diokno ginisa sa Kamara kaugnay sa panukalang 2019 national budget

- Advertisement -

Ginisa ni House Majority Floor Leader at Camarines Sur 1st District Rep. Rolando Andaya si Budget Secretary Benjamin Diokno kaugnay sa umano’y bilyun-bilyong pisong insertion sa P3.7 trillion proposed 2019 national budget.

Inakusahan ni dating Budget Secretary Andaya si Diokno na nagsingit ng P51 billion sa panukalang budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa susunod na taon.

Iginiit ng kasalukuyang kalihim na wala namang anomalya sa budget at dinagdagan lamang ito para sa infrastructure program spending ng DPWH.

Gayunman, hindi anya ito matatawag na insertion dahil bahagi ito ng proseso ng paghahanda ng budget.

Sinita naman ni Andaya ang kalihim sa sinasabing overspending ng pamahalaan ngayong taon.

Sa kabila naman ng akusasyon ni Senador Ping Lacson na nagsingit ng pork barrel fund sa panukalang budget, pinagpaliwanag din ni Buhay Party list Rep. Lito Atienza si Diokno.

Tinig nina House Majority Leader Rolando Andaya, Budget Secretary Diokno at Buhay Party list Rep. Lito Atienza.

(with report from Jill Resontoc)
- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -