30.1 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

3 kabataang Chinese national inoobserbahan sa isang ospital sa Aklan

- Advertisement -

Kasalukuyang inoobserbahan ang 3 kabataang Chinese national dahil sa posibilidad ng exposure ng mga ito sa novel coronavirus.

Ayon sa report, nasa Aklan Provincial Hospital ang mga bata para sa ginagawang obserbasyon.

Kasama na rito ang isang 6 na taong gulang na batang babae na galing sa Wuhan, China.

Hindi nagpakita ng sintomas ang bata pagdating sa paliparan ngunit nagkaroon ng lagnat at ubo nang dumating ito sa isla ng Boracay noong nakaraang linggo.

Sa ngayon ay isinasailalim na sa 2019-NCov confirmatory testing ang mga swab samples na kinolekta sa mga pasyente.

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -