2k Surgical masks ninakaw sa France

0
15

Dalawanglibo (2,000) surgical masks ang ninakaw mula sa isang ospital sa Southern French City na Marselle sa gitna ng coronavirus disease (COVID-19) scare.

Ayon sa Agence France Presse, Ang mga nasabing surgical masks ay ninakaw sa Conception Hospital na nag-iimbestiga na naturang insidente.

Tiniyak naman ng pamunuan ng ospital na sapat pa rin ang suplay nila ng surgical masks.

Apat na ang nasawi sa France dahil sa COVID-19.