Wednesday, May 8, 2024

2,600 body camera units ng PNP darating na ngayong buwan

- Advertisement -

Inaasahan nang darating ngayong buwan ng Oktubre ang 2,600 units ng mga body camera na gagamitin sa anti-drug operations ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay PNP Chief General Camilo Cascolan, isasailalim pa sa functional test evaluation ang mga body cameras na ginastusan sa halagang P287M simula sa Oktubre 12.

Aniya, ngayon lamang dumating ang mga biniling body cameras dahil sa pinahigpit na patakaran sa pagbiyahe sa buong mundo bunsod ng pandemyang COVID-19.

Samantala, matatandaang iginiit ng mga senador ang paggamit ng body camera ng mga ng pulis na nagsasagawa ng oplan tokhang dahil sa mga ibinabatong akusasyon hinggil sa Extra Judicial Killing na nangyayari sa bansa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img