Saturday, May 4, 2024

23 British oil tanker crews tiniyak na nasa mabuti nang kalagayan

- Advertisement -

Nagkaroon na ng komunikasyon ang 23 crew ng British oil tanker na hinuli ng Iran sa operator ng barko.

23 crew ang sakay ng barko, kabilang ang isang Pilipino nang hulihin ito ng revolutionary guard ng Iran sa Strait of Hormuz.

Ayon kay Pat Adamson, spokesman ng Stena Bulk, ang Swedish operator ng barko, nakausap nya ang kapitan ng oil tanker at tiniyak nito na nasa mabuti silang kalagayan.

May sapat naman umanong pagkain sa barko at pinayagan rin silang tumawag sa kani kanilang mga pamilya.

Matatandaan na sinabi ng Iran na hinuli nila ang barko dahil may nabangga itong fishing boat subalit pinabulaanan ito ng Stena Bulk.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img