21 mga residente sa isang barangay sa Tondo, Manila inilipat sa isang quarantine facility

0
24

21 residente ng barangay 20 sa Parola Compound Tondo Manila ang inilipat sa Del Pan Quarantine Facility.

Ang mga residente ng barangay 20 ay sinundo ng mga pulis at mga kagawad ng Manila Health Department dahil kabilang sila sa mga pinaghihinalaang carrier ng coronavirus.

Kinuhanan na rin ng swab test ang mga residente upang makumpirma kung sila ay may impeksyon na ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Matatandaan na inilagay sa 24 hour total lockdown ang barangay 20 matapos matuklasan na nagpapaboksing pa at nagpapa-bingo ang mga residente ng barangay.