100 bansa humihingi ng tulong pinansyal sa IMF

0
16

Umaabot na sa 100 bansa ang humihingi ng pinansyal na ayuda mula sa International Monetary Fund (IMF) upang magamit na panlaban sa epekto ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Ayon kay Gita Gopinath, Chief Economist ng IMF, sa ngayon ay sapat pa naman ang $1-T lending capacity ng IMF para sa mga nangangailangang mga bansa.

Gayunman, hindi anya nila ina aalis ang posibilidad na mangailangan sila ng dagdag na resources dahil walang nakakatiyak kung hanggang kelan mararanasan ang COVID-19 pandemic.

Batay sa forecast ng IMF, babagsak ng 3% ang global economy ngayong 2020, ang pinakamababang lebel mula noong great depression noong 1930’s.