Walang dahilan para ipagpaliban ang nalalapit na halalan sa 2022.
Ayon kay Vice President Leni Robredo, kung mayroon kasing panahon ang pamahalaan para sa pagbubukas ng mga tourism sites, gaya na lamang nang nangyaring pagbubukas sa Manila Bay ay tiyak aniya na mapaghahandaan ang 2022 elections.
Sinabi ni Robredo, pinatunayan din kasi ng ibang bansa na kayang ituloy ang halalan kahit sa gitna pa ng pandemya.
Kaugnay nito, binigayang diin din ni Robredo na mismong Commission on Elections (COMELEC) na ang nagsabi na hindi dapat ipagpaliban ang halalan kahit na hindi pa rin tapos ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic pagsapit ng 2022.
Una rito, sinabi ni COMELEC Spokesman James Jimenez na pinahahandaan na naman ng COMELEC ang mga posibleng alternatibong paraan para makaboto kung hindi pa rin matatapos ang COVID-19 pandemic sa 2022.