2019 nCoV-ARD death toll 635 na

0
16

Umakyat na sa 635 ang bilang ng mga nasawi sa sakit na 2019 novel coronavirus acute respiratory disease (2019 nCoV-ARD).

Sa nasabing bilang, 633 rito ang nasawi sa China habang tig-isa sa Hong Kong at Pilipinas.

Pumalo naman sa 30,826 ang bilang ng mga tinamaan ng sakit.

Malaking bahagi nito ay mula sa China habang ang iba pa ay mula sa 27 bansa.