Friday, May 3, 2024

2019 Bar topnotcher target talagang mapasama sa top 10 bar exams

- Advertisement -

Target talaga ng bar topnotcher na mapasama sa top 10 ng bar exams bago pa man sya nagsimulang magreview para sa pagsusulit.

Ayon kay Mae Diane Azores, ipinagdasal nya na sana ay masama sya sa top 10 kahit man lang sa pang-walong puwesto.

At dahil mayroon anya syang goal, sobra-sobrang pag-aaral ang kanyang ginawa na hindi pa nya nagagawa sa buong buhay nya  bilang estudyante.

Gumigising anya sya ng alas-4 ng madaling araw, mag-eehersisyo bago sumabak sa pag-aaral na tumatagal ng 10 hanggang 12 oras.

Sinbi ni Azores na hindi sya makapaniwala na sya ang bar topnotcher subalit sobrang ligaya ang kanyang nararamdaman nang malaman ito.

Si Azores ay graduate ng University of Santo Tomas-Legaspi.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img