2 Pinoy nasawi, 6 sugatan sa pagsabog sa Beirut, Lebanon —DFA

0
13

Dalawang Pinoy na ang kumpirmadong nasawi sa malakas na pagsabog sa Beirut, Lebanon.

Batay ito sa report ng Philippine Embassy sa Beirut sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Ayon sa DFA, may anim na iba pang Pinoy ang napaulat namang sugatan sa pagsabog.

Lahat  umano ng mga Filipino casualties ay nasa bahay ng kanilang employers nang maganap ang pagsabog.

Kaugnay nito, nanawagan ang DFA sa mga Pilipino sa Beirut na dumulog sa Philippine Embassy kung sakaling kailangan nila ng tulong.