2 Obispo nagsalita na rin sa pagsibak kay Robredo bilang co-chair ng ICAD

0
28

Nagsalita na rin ang 2 Obispo sa pagsibak ng Pangulong Rodrigo Duterte kay Vice President Leni Robredo bilang co-chair ng Inter Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

Ayon kay Manila Auxilliary Bishop Broderick Pabillo, pinatunayan ng pangulo na paiba-iba ito ng isip at kung gaano sya ka insecure sa mga babae.

Tinukoy ni Bishop Pabillo ang ginawang pagpapakulong ng Pangulo kay Senador Leila de Lima, ang pagpapalaya kay Sister Patricia Fox, kay dating Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno at ngayon ay kay Robredo.

Kahiya hiya naman para kay retired Sorsogon Bishop Arturo Bastes ang pagsibak ng Pangulo kay Robredo.

Kumbinsido si Bishop Bastes na natatakot ang pangulo na mayroong matuklasang anomalya si Robredo sa kanyang giyera kontra droga.