Pagkilala sa ‘Women Empowerment’ tiniyak ni Duterte

0
32

Tiniyak ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkilala sa ‘empowerment’ ng kababaihan at mga bata.

Naglabas ng pahayag ang Pangulo kaalinsabay ng paggunita sa National Consciousness Day for the Elimination of Violence Against Women.

Ayon sa Pangulo, target ng kanyang administrasyon na maging ligtas sa anumang karahasan ang lahat ng tahanan sa bansa.

Magagawa anya ito sa pamamagitan ng implementasyon ng Violence Against Women and Children Act of 2004 at Magna Carte of Women.