Sunday, May 5, 2024

2 naarestong hired-killer sa Maynila patay matapos pagbabarilin ng mga kapwa gun-for-hire killer

- Advertisement -

Dalawang gun-for-hire suspect ang patay matapos pagbabarilin ng mga riding-in-tandem sa Sampaloc, Maynila.

Kinilala ang mga napatay na suspek na sina Apolonio Flores, 37 anyos at Prince Patrick Cortez, 32 anyos na inaresto noong Lunes sa kasong Illegal Possession of Firearms at ikinulong sa Manila Police District-Station 4.

Pabalik na sana ng presinto sina Flores at Cortez matapos sumailalim sa inquest proceedings nang paputukan ng anim na lalaking lulan ng tatlong motorsiklo sa Lacson Avenue, kahapon.

Lulan ang mga naarestong suspek ng police mobile kasama sina PO1 Joven Miguel at PO2 Mark De Lima nang harangin sila ng mga lalaking naka-motorsiklo.

Inaalam na kung anong grupo ang nasa likod ng pamamaslang at kung nagkaroon ng lapse ang mga police escort ng dalawang hitmen.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img