30.9 C
Manila
Friday, March 29, 2024

2 kumpanya ng telco naghain ng apela

- Advertisement -

Kapwa iginiit ng mga kumpaniyang PT&T o Philippine Telegraph and Telephone Corporation at Sear Telecom na kuwalipikado sila para maging ikatlong telco player sa bansa.

Ito’y makaraang maghain na ng apela ang dalawang nabanggit na kumpaniya matapos i-disqualify ng NTC o National Telecommunications Commission sa ginawang bidding nito.

Batay sa inihaing motion for reconsideration ng PT&T, mahigit 50 taon na silang nag-ooperate sa bansa kaya’t maaari na silang gawaran ng certification of technical capability.

Taliwas ito sa naging pahayag ng NTC na hindi maaaring bigyan ng sertipikasyon ang naturang kumpaniya dahil ibinibigay lamang ito sa mga mayroon nang mahigit sa sampung taong karanasan sa industriya.

Samantala, kinuwestyon naman ng Sear sa inihain nilang mosyon ang pagkakapili sa mislatel consortium dahil sa umano’y breach of contract nito.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -