2 dayuhan nahulog sa isang hotel sa Makati City

0
58

Dalawang dayuhan ang natagpuang patay sa kalsada sa bahagi ng Barangay Poblacion sa Makati City.

Hinihinalang nahulog ang mga ito mula sa isang hotel na matatagpuan sa panulukan ng Kalayaan at Makati Avenue.

Ayon kay Makati City Police Col. Rogelio Simon, mailalarawan ang dalawa na mga Asiyano bagama’t hindi pa tukoy ang nationality at pagkakakilanlan ng mga ito.

Patuloy namang inaalam ng pulisya kung may foul play sa pangyayari o sadyang tumalon mula I’M Hotel ang dalawang dayuhan.

(Ulat ni Jaymark Dagala)