30.6 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

2 Chinese nationals na sangkot sa pagdukot sa kapwa Chinese arestado sa Makati

- Advertisement -

Kalaboso ang dalawang Chinese nationals na sangkot sa pagdukot sa kapwa Chinese sa Makati City.

Kinilala ng mga otoridad ang mga suspek na sina Weng Zhiting at Cheng Guo na nasa likod nang pagdukot kina Jiang Xiao Hao at Li Weizu.

Ayon sa mga otoridad nilusob nila ang isang bahay sa Aurelia Street sa BF Resort Village, Las Piñas City matapos mag reklamo si Yang Lingyu, may bahay ni Jiang na dinukot ang kaniyang asawa sa Regency Salcedo sa Bel Air, Makati City.

Nanghihingi umano ang kidnappers ng 500,000 renminbi (RMB) mahigit P3 milyong.

Nagkaroon ng negosasyon subalit tumanggi ang pamilya ng mga biktima sa China na ibigay ang ransom money.

Sinabi ng mga pulis na sinaktan ng mga suspek ang mga biktima at inilipat ang pera ng mga ito sa kanilang account gamit ang Alipay App.

Nasabat sa operasyon ang ilang cellphone, isang fired cartride case ng 9mm, isang live ammunition ng caliber 38, dalawang posas, plastic straps at iba pang ebidensya.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -