30 C
Manila
Friday, March 29, 2024

₱2.7 Billion Na Tagum City Flyover Project Bukas Na Sa Mga Motorista

- Advertisement -

Tagum City – Matapos ang mahabang pag-hihintay ay binuksan na sa publiko ang inaabangan ng mga Tagumenyos na Tagum City Flyover Project ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ang 1.6 km na proyekto na binuksan noong lunes Oktubre 4 napaloob sa Build Build Build Program ng administrasyong Duterte na sinasabing pinakamahabang flyover ng Mindanao at Visayas.

Marami ang natuwa sa pagbukas ng proyekto lalo na malaki itong tulong upang maging maluwag na ang trapik sa lungsod. Ang nasabing proyekto na bumabaybay sa Daang Maharlika National Highway ng Tagum city ay nagkakahalaga ng 2.7 billion pesos.

Samantala, hindi lahat ng klase ng transportasyon puwedeng dadaan sa flyover.  Base sa City Ordinance No. 946 (Tagum City Traffic Code)/ at RA 4136 hindi pwede’ng  gagamit  ng  flyover ang Motorized Tricycle, Pedicab, kahit na ano mang 3-wheeled vehicle, Bicycle, Primemover o trailer trucks na may bigat na  40 Tons, hindi rin pwede  ang mag-jogging at  walking.

(Source: Tagum City LGU)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -