17th pride parade ipinagdiriwang sa Taiwan

0
19

Muling ipinagdiriwang ng LGBTQ community sa Taiwan ang pagkakapasa ng same sex marriage sa kanilang bansa.

Nagmartsa ang tinatayang nasa mahigit 200,000 katao sa Taipei bilang pakikiisa sa ika-17 Pride Parade.

Magugunitang naging legal ang same sex marriage sa naturang bansa nakaraang Mayo kung saan naitala na sa 2,000 same sex couples ang nag isang dibdib.

Samantala, ang Taiwan ang kauna-unahang bansa sa Asya na nagpasa ng panukalang same sex marriage.