Sunday, May 5, 2024

Jayson Castro nagtamo ng injury sa paa

- Advertisement -

Maaaring hindi na makapaglaro ng basketball si Jayson Castro para sa koponan ng bansa sa darating na Southeast Asian Games.

Ito ay matapos nitong magtamo ng injury sa paa dahil sa paglalaro sa TNT para sa PBA Governors Cup nakaraang Biyernes, Oktubre 25.

Ayon sa Gilas Coach na si Tim Cone, hindi na aabot si Castro sa kanilang gagawing training dahil kinakailangan pa aniya nitong magpahinga ng lima hanggang anim na linggo.

Aniya, makakarekober naman si Castro sakanyang injury ngunit posibleng tatlong araw nalang ang matitira bago magsimula ang nasabing torneo.

Samantala, idinepende rin ni Coach Cone kay Dr. Jose Raul Canlas na kilalang sports medicine expert kung ipaglalaro pa sa Gilas si Castro para sa nalalapit na SEA games.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img