- Advertisement -
Nakapagtala na ng 16 na firecracker-related injuries sa lahat ng ospital sa Manila.
Batay sa tala ng City Public Information Office, 11:00 kagabi ay nasa 16 na ang nabiktima sa paputok.
Kabilang dito ang 7 pasyente sa Santa Ana Hospital, 4 sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center, 3 sa ospital ng Sampaloc habang tig-isa naman ang naputukan sa ospital ng Tondo at Maynila.
- Advertisement -