152 New Covid Survivors, Naitala Sa GenSan – DOH 12

0
170

General Santos City – Nadagdagan pa ng 152 na mga Covid-19 infected patients sa lungsod ang tuluyan nang nakarekober.

Batay sa September 30 tracker bulletin ng Department of Health, umakyat na sa 11,623 ang total recoveries sa GenSan habang 847 pa ang nanatili pa sa mga isolation facilities.

Samtantala, iniulat din ng DOH na dalawang residente ng siyudad ang binawian ng buhay matapos magpositibo sa coronavirus.

Ang mga nabanggit ay kinabibilangan ng 60 years old at 31 years old male patients.

Umakyat na sa 450 ang Covid-19 related deaths sa GenSan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here