13th month pay ng mga empleyado ng city hall sa Mandaluyong nakatakdang ipamahagi

0
13

Nakatakda nang ipamahagi ng Mandaluyong City ang 13th month pay ng mga empleyado ng City Hall.

Ipinag-utos na ni Mayor Menchi Abalos ang pagpapalabas ng pondo upang matulungan ang kanilang mga empleyado na maka-agapay sa epekto ng Luzon-wide community quarantine.

Gumagawa na rin umano ng hakbang ang mandaluyong upang mabigyan rin ng benepisyo ang kanilang casual at job order employees.

Dahil dito, umaasa si Mayor Abalos na mananatili sa kani-kanilang tahanan ang mga empleyado ng City Hall hanggang sa matapos ang quarantine period.