Saturday, May 4, 2024

120 kapulisan ipapakalat para sa promulgation ng Maguindanao massacre case

- Advertisement -

Nagpakalat ng 120 kapulisan ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa Camp Bagong Diwa, Taguig para paigtingin ang seguridad bago ibaba ang hatol sa kaso ng Maguindanao massacre.

Ayon kay NCRPO Chief Pol. Brig. Gen. Debold Sinas, ito ay para maging handa ang kanilang hanay sa posibleng insidente kapag inihayag na ni Judge Jocelyn Solis-Reyes ang hatol sa naturang kaso.

Aniya, kanila naring inalerto ang crowd disturbance management unit sa posibleng kilos protesta sa gitna ng promulgation.

Samantala, nakatakdang i-anunsyo ang desisyon sa kaso ng Maguindanao massacre sa December 19 sa Quezon City Jail Annex, Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img